Monday, January 09, 2006

It's so unfair in my part....


waaaaa...i want to cry...buti na lang may blog ako na pwede kong kwentuhan kahit ano oras....huhuhuhuh....

Napansin ko na toh before pa eh..but i want to ignore it as much as possible kasi nasasaktan lang ako...may mga bagay kasi sa life ko na sobrang unfair talaga..pag ako may kasalanan...kung ano na nasasabi nila...pero pag may napansin ako akosa ibang tao..na pag ako ang nakagawa mas worst pa yung sasabihin nila sa akin...nakaka inis noh???

I know..mahirap sabihin ang totoo...pero please naman oh...wag na lang ako yung laging pinapagalitan...minsan nga gusto ko na lang maging pipe..para wala na silang marinig na kahit ano mula sa bibig ko eh...yung bang kahit maganda man or panget yung sasabihin ko wala na lang...para hindi na lang ako nakakarinig ng masasakit na salita.....ang hirap naman kasi sa mundong toh eh sinasabi mo na nga yung totoo ikaw pa ang may kasalanan...

Maraming beses na nangyayari sa akin toh eh...one time nga eh..about dun sa ice cream..sabi ko "oh bakit naubos kaagad??" nagtanong lang ako nun ha..ako pa ginawang masama..kesyo wag ko na pansinin....manahimik na lang ako...Hello akin yung ice cream na yun noh..pero pag ako ang nakagalaw sa mga food nila...kung ano ano ang sasabihin papagalitan pa ako...di ko lang kasi ma take yung mga pangaral "daw" na sinasabi ss akin...pero sila hindi rin naman nila ma take yung mga ginagawa ng babaeng yun sa bahay namin....

Isa pang incident...yung slippers ko ginamit ng walang paaalam..eh ako nga ginagamit ko lang yun pag umaalis ako..anung karapatan nya para gamitin yun pambahay??ha sabihin niya nga sa akin...yung slippers nga niya hindi manlang malapatan ng paa ako eh...dahil nahihiya akong gamitin...tapos siya ganun??hindi pa nagpapaalam...tapos nung hinahanap ko na...may sinabi ako sa tita ko nun eh..tungkol kung sino man ang gumamit..kahit alam naman naming dalawa kung sino yun....di ko na sinabi pangalana nya..basta masakit yung sinabi ko..tapos sinabi na kagad sa daddy ko..yung daddy ko pinagalitan na naman ako...wag ko daw sabihin sa harap ng babaeng yun..pero kung ako yung gumamit nung slippers ng babaeng yun..tapos nakita nila na parang naiinis...oo magalit sila dun sa babaeng yun...pero mas lalong sa akin magagalit...di kasi nila kayang sabihin dun sa taong yun....

Nangyari na rin kasi yung ganun incident before..basta may nasabi si daddy..tapos parang nagalit di umaakyat ng bahay....hello mas favor pa sa akin yung ganun kahit nga wag na magpakita yung face nya sa akin eh mas sasaya pa ako.kung sa tingin niyo ang sama ng iniisp ko...di niyo lang kasi alam kung anu yung nararamdaman ko tuwing mapapagalitan ako..kasi hinde naman sa inyo sinasabi....

Tsaka sa mga luho..pag yung pamangkin ko ang nagpabili...at nagiiyak...pagbibigyan kagad...ibibili...kasi naiinggit dun sa kalaro niya...oo naranasan ko na yan..pero di ba...bilang tatay...responsibilidad mo din na ibigay yung gusto ko...hindi sa nagseselos ako sa tao na yun...(i dont want to mention any name)pero syempre...anak mo ko eh...oo naiintindihan ko na wala kang work..na kay kuya lang tayo umaasa..pero pag siya na yung pinaguusapan lahat ng paraan para lang masunod siya magagawa mo di ba?>??hindi sa hindi ko naiintindihan yung mga nangyayari sa atin as a family...pero sana naman kahit minsan bigyan naman ako ng konting consideration....di ba??karapatan ko naman yun eh..

Napaka unfair talaga....unafir..unfair..unfair...yan naiyak na ako...sana wag nio isipin na makasarili ako...na hindi ko naiintindihan yung mga situation sa life namin kasi hindi ganun...kung yung kapatid ko nga na isa na pinapagamot ng kuya namin...umiinom ginagamot yun ha...oo nagalit sa kanya...pero bakit hindi nya masabi...

Ang point ko lang naman..lalo na first part ng sinabi ko...na sana sabihin sa kanya yung mga pagkakamali niya..hindi na lang yung ako lagi ang nasisisi...kasi unfauir talaga yun sa part ko...ayoko pa naman ng nasisisi ako sa mga bagay na hindi ko naman nagawa...kung yung totoo pa ang lalong magpapasama sayyo..mabuti pa ngang wag ka na lang magsalita di ba???ngayon naiintindihan ko na yung mga taong nalalagay sa jail...lalo na pag napagbintangan lang sila...mahirap talaga..masakit sa loob..

Sana lang maging fair na yung lahat sa bagay...kasi mga pagkakamali ko lang tsaka ng kuya ko ang pinapansin nila eh..pero yung pagkakamali ng taong yun hinde...pag nagsalita ka ng masa asa kanya naku...ehwan ko na lang...kaya nga minsan ayoko talaga dito sa bahay namin dahil ayoko talagang nakikita siya..nasisira ang araw ko..kahit na sabihin na mabait pa sya sa akin...di sapat yun para sa akin...dapat pangaralan din siya ng tamanag asal..

haaaaay..gusto ko lang ilabas yung sama ng loob ko..baka pag di ko nalabas toh sumabog na lang ako bigla eh....sa mga taong nakakakilala sa akin..maiintindihan nila ako...sa hinde at wala namang sasabihin iba..wala kayo pakialam hahaha...

sige....have a nice day everybody....

No comments: